NAGTAPOS na ang isa sa pinaka-contagious na uri ng COVID-19 virus na BA.4 at BA.5 wave sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante na isang infectious disease specialist, nalampasan na ng Pilipinas ang wave ng virus at ngayo’y inaasahan na ang pagbaba nito.
Kasabay rito ang pagbaba ng health care utilization rate at ICU occupancy rate sa buong bansa habang ang positivity rate naman mula Nobyembre 6 – 8 ay nasa 9.9%
Sa pinakahuling ulat, nasa 15,989 na lamang na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas, pinakababa na bilang mula noong Hulyo 13.