MAHIGIT 3 libong kaso ng COVID-19 ngayong linggo ang naitala ng bansa base sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH) mula Abril 17 – 23, 2023.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 450.
Ayon sa DOH, ang naitalang kaso ay mas mataas ng 32 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 10 – 16.
Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 5 na pumanaw kung saan 0 ay naganap noong Abril 10 hanggang 23.