Kaso ng measles at rubella hanggang Abril ngayong 2024, nasa 1.6-K na—DOH

Kaso ng measles at rubella hanggang Abril ngayong 2024, nasa 1.6-K na—DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng nasa mahigit 1.6-K na kaso ng measles at rubella ngayong 2024.

Mula Enero hanggang Abril 6, nasa apat na rin ang naitalang nasawi dahil dito.

Madalas na mga bata edad 10 taong gulang pababa ang pinakanaapektuhan nito.

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinakamataas na kaso.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng measles outbreak response immunization sa BARMM at nasa mahigit 800-K na ang kabataang nabakunahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble