Kaso vs. FPRRD halatang may nagtutulak—Sen. Bato

Kaso vs. FPRRD halatang may nagtutulak—Sen. Bato

IPINIPILIT lang o mayroong nagtutulak na maihain ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa paliwanag ni Sen. Bato Dela Rosa, ito’y dahil nakapagtataka na bakit ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang naghain ng kaso hinggil dito.

Makikita naman aniya na wala kahit isang senador ang naghain ng reklamo sa sinabi ni FPRRD na “patayin” na lang ang incumbent ngayon para mabakante at maipasok ang senatorial candidates sa ilalim ng PDP-Laban.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ay sinabi na ni Atty. Martin Delgra na matagal nang kilala ng publiko si dating Pangulong Duterte bilang mapagbiro mula nang maging alkalde siya ng Davao City hanggang sa pag-upo niya bilang Pangulo ng Pilipinas.

Si Delgra ay nagsilbing tagapangulo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong taong 2016 hanggang 2022.

Nagsilbi rin ito bilang legal counsel ni FPRRD noong ito ay alkalde pa lang sa Davao City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble