Kasong murder, pormal nang isinampa laban sa mga suspek sa pagpatay kay Percy Lapid

Kasong murder, pormal nang isinampa laban sa mga suspek sa pagpatay kay Percy Lapid

PORMAL nang isinampa sa Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban sa apat na suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Inihain ang kaso ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa.

Sa isang panayam, sinabi ni Mabasa na nakausap na niya nang personal ang suspek at tiniyak nito na makikipagtulungan sa kanila upang makamit ang katarungan para sa kanyang kapatid.

Sa ngayon aniya ay hindi pa sila handang magbigay ng pagpapatawad sa mga pumatay sa broadcaster hanggang wala pang desisyon ang korte.

Follow SMNI NEWS in Twitter