MAS pinagtibay pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang suporta para sa Philippine Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games (PRG) 2024.
Ito’y matapos na nilagdaan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. ang memorandum of agreement para sa nabanggit na palaro, kasama nitong lumagda si Sen. Francis Tolentino na siyang PRG Honorary Chairperson.
Maliban sa AFP, katuwang din rito ang Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), at ang Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay Gen. Brawner, ang Philippine ROTC Games ay higit pa sa isang sporting event, aniya ang nasabing palaro ay magbibigay ng pagkakataon na hubugin ang mga susunod na leader ng ating bansa.