TINIYAK ng Department of National Defense (DND) ang kanilang commitment upang maisapinal ang kasunduan kaugnay sa pagpapalitan ng military information sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito’y kasunod ng pagdalo ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa Mangrove Forum on International Relations, “Moving Forward: The US – Philippines Alliance under the New Administration” na ginanap sa US Embassy – Manila.
Bahagi ang aktibidad ng ika-71 Anniversary ng Philippines-US Mutual Defense Treaty (MDT).
Ayon kay Faustino, inaasahan na magiging daan ang General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) upang mapabilis ang technology transfer sa pagitan ng militar ng Pilipinas at Amerika.
Mapahusay din aniya nito ang interoperability partikular na sa non-traditional threats na kinakaharap ng dalawang bansa.