IPINAG-utos ni Governor Gwen Garcia ang pansamantalang pagsasara ng Kawasan Falls sa Badian, Cebu City.
Ayon kay Garcia, mayroong mga debris mula sa mga estrukturang sinira ng Bagyong Odette gayundin ang mga abandonadong estruktura malapit sa Matutinao River at sa talon na nagdudulot ng panganib sa mga turista.
Dagdag ni Garcia, kailangan itong mabigyan ng pre-emptive measure lalo na isa ang Kawasan Falls sa kilalang pinakamagandang falls sa buong mundo.
Kailangan aniyang mag-organisa ang mga tour-operator ng Kawasan Falls para makabuo ng pamantayan.
Samantala, nilinaw ni Garcia na magpapatuloy ang canyoneering activities sa karatig bayan ng Alegria.
Ang Kawasan Falls na dumadaloy sa Matutinao River sa Badian ay isang sikat na tourist spot sa Cebu na dinarayo ng mga turistang dayuhan at lokal.