Chronic kidney diseases, kabilang sa Top 5 sanhi ng kamatayan sa bansa

Chronic kidney diseases, kabilang sa Top 5 sanhi ng kamatayan sa bansa

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na kasama na ang chronic kidney disease (CKD) sa Top 5 na sanhi ng kamatayan sa mga Pilipino.

Kasama ng CKD sa Top 5 causes of death sa bansa ay ang diabetes, hypertensive heart disease at stroke.

Ang bagay na ito ay nakababahala ayon sa DOH dahil umano sa dalawang rason.

Una, ang diabetes at altrapresyon ay top two na sanhi ng CKD at ang cardiovascular diseases ay nanatiling pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga pasyente na na-diagnose ng CKD.

Kaya panawagan ng ahensiya sa publiko na iwasan na magka-CKD.

Apela nito sa Pilipino na sundin ang walong golden rules para mapanatiling malusog ang ating mga bato kung saan kabilang dito ay ang pagkakaroon ng proper diet, regular na ehersisyo at pag-inom ng sapat na tubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter