KOJC missionaries, ‘di pinayagang magsagawa ng Thanksgiving at Worship Presentation sa Linggo

KOJC missionaries, ‘di pinayagang magsagawa ng Thanksgiving at Worship Presentation sa Linggo

HINDI pinayagang magsagawa ng Thanksgiving and Worship Presentation ang KOJC missionaries and members sa KOJC cathedral sa araw ng Linggo.

Ito ang sinabi ni KOJC legal counsel Atty. Adam Jambangan sa SMNI News.

Matatandaan na ngayong Setyembre 1 ang anibersaryo ng pagkakatatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ipinagdiriwang ng kongregasyon sa buong mundo.

Sa ngayon ay unti-unti nang nagsisidatingan ang mga misyonaryo at miyembro ng KOJC mula sa ibang bansa para sa naturang event.

Ang KOJC cathedral na ngayon ay ginawang command center ng PNP ang karaniwang pinagdausan ng selebrasyon ng KOJC para sa kanilang taunang anibersaryo at lingguhang pagsamba.

Ngayong araw, Agosto 31, 2024 ang ikawalong araw ng pagkubkob ng Philippine National Police sa KOJC Central Headquarters sa Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble