TUMAAS ng 10 porsiyento ang tax collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa unang limang buwan ng taong 2023.
Ito’y nang makakolekta ang ahensiya ng nasa P1.056-T buwis ngayong 2023 kumpara sa P95.454-B noong 2022 sa kaparehong panahon.
Naniwala naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na makukuha ng ahensiya ang target nitong P2.599-T na koleksiyon ngayong taon.
Ito’y dahil sa mas pinaigting na tax enforcement activities ng BIR.