Konstruksiyon ng P2B food hub project ng DA pabibilisin na

Konstruksiyon ng P2B food hub project ng DA pabibilisin na

SISIGURADUHIN ng Department of Agriculture (DA) at Department of Transportation (DOTr) na agad matatapos ang itinatayong food hub project sa lupang pag-aari ng Clark International Airport Corp.

Ito’y para maging centralized ang pag-iimbak, processing, at maging ang distribusyon ng mga produktong agrikultura.

Sinisiguro din nito ang mabisang access sa mga magsasaka, traders, at iba pang mamimili ng mga produkto.

Tinatayang ang P2B na food hub ay magiging operational sa loob ng 18 buwan sa oras na masimulan ang konstruksiyon nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble