IKINATUWA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-apruba ng Commission on Appointments (CA) sa ad-interim appointments ng 54 na senior military officers.
Pinangunahan ni Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lieutenant General Rowen Tolentino ang contingent ng AFP sa Senado sa Pasay City.
Kabilang sa inirekomenda ni House Representative Jurdin Jesus Romualdo, chairperson ng Committee on National Defense at inaprubahan ng CA ay sina Brigadier General Jovencio Gonzales, commander ng 602nd Infantry Brigade; Brigadier General Dennis Estrella, commander ng Tactical Operations Wing Western Mindanao.
Gayundin sina Brigadier General Fatima Claire Navarro, AFP Surgeon General; at Brigadier General Moises Nayve Jr., commander ng Army Headquarters and Headquarters Support Group.
Inaprubahan din ng CA ang 16 Colonels mula sa Philippine Army, 10 Colonels mula sa Philippine Air Force, 8 Captains mula sa Philippine Navy, 2 Colonels mula sa Philippine Navy-Marines, at 13 Colonels mula sa Technical and Administrative Service ng AFP.