DUMATING na sa Cebu nitong Lunes, Enero 27, 2025 ang labi ng Pinay na pinaniniwalaang pinatay ng kaniyang asawang Slovenian.
Mula Cebu ay dinala na ito sa kaniyang home town na Negros Oriental.
Nitong Enero 24 nang ibiniyahe ng Philippine Embassy sa Vienna, Austria ang labi mula sa Slovenia.
Ang Pinay na si Marvil Facturan-Kocjancic ay pinaniniwalaang pinatay ng kaniyang asawa noong Disyembre 29, 2024.
Sa ngayon ay naka-kustodiya na ang Slovenian nitong asawa sa isang forensic prison para sa mga taong may mental illness.