DINAGSA ng job hunters ang isinagawang job fair ng tanggapan ni Congresswoman Maan Teodoro sa Marikina City Hall Quadrangle ngayong araw, May 1 o Labor Day.
Nasa 15 kompanya ang lumahok na nagbukas ng maraming oportunidad sa trabaho sa daan-daang lumahok.
Ayon kay Teodoro, ang mga trabahong alok ng job fair ay pangmatagalang solusyon sa kahirapan.
At balak nitong gawin nang taunan ang pagsasagawa ng job fair sa Marikina para sa mga walang pagkakakitaan.
Dumalo naman sa okasyon ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Samantala, kasabay ng job fair na ito ay isa pang job fair ang inihandog ng tanggapan ni Rep. Teodoro sa SM City Marikina.
Nagkaloob din ng libreng sakay para sa mga aplikanteng nais makapunta sa dalawang okasyon.