ISUSUNOD sa Kaliwa Dam project ang pagdevelop sa Laguna Lake.
Sa panayam ng SMNI News kay Engr. Ryan James Ayson, sinabi nitong madalas na tumataas ang tubig sa Laguna Lake at maganda itong ma-utilize.
Sa kasalukuyan ay nasa 22% na ang Kaliwa Dam project at tinatayang taong 2026 ito matatapos.
Bagamat mas maliit kung ikukumpara sa Angat Dam, makakapag-ambag naman ito ng hanggang 40% na karagdagang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ang nasabing proyekto ay may taas na 63-meter-high at tinatayang makapagbibigay ng 600 milyong litro ng tubig kada araw sa 20 milyong konsyumer.
Matatandaang ipinahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mayroong krisis sa tubig ngayon ang Pilipinas.
Dahil dito, naniniwala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magiging long-term solution ang pagtatayo ng Kaliwa Dam project.