INIHAYAG ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na muli silang magdedeploy ng mga tao na tutulong sa mga motorista kasunod ng paggunita ng Undas sa buong bansa.
Ang “Lakbay Alalay” program ng ahensya ay kanilang muling irere-activate sa mga strategic locations simula alas-7 ng gabi, sa October 8 hanggang 12nn ng November 2.
Sa ilalim ng programa ay magbibigay ng emergency assistance ang DPWH sa mga maglalakbay at magtitiyak na hindi sila magkakaroon ng aberya sa daan.
Inutos na rin ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na magkakaroon ng maayos na signages at traffic advisories sa mga kalsada na ginagawa ng mga ahensya para maiwasan ang pagbagal sa trapiko papuntang mga sementeryo.
Mayroon na ring close coordination ang DPWH sa mga iba’t ibang ahensya gaya ng Land Transportation Office, Philippine National Police, at LGUs para sa iba pang assistance na kakailanganin ng mga manlalakbay.