Lalaking umakyat sa billboard frame sa Caloocan, nailigtas ng BFP

Lalaking umakyat sa billboard frame sa Caloocan, nailigtas ng BFP

MATAGUMPAY na nailigtas ng Bureau of Fire Protection (BFP) Special Rescue Force Caloocan ang isang lalaki na umakyat sa billboard frame sa labas ng LRT Monumento sa lungsod ng Caloocan.

Alas sais a-trenta, umaga ng Miyerkules nang mapansin ng naka-duty na guwardiya na si Roldan Cortez ang isang lalaki na nasa billboard frame sa LRT Monumento sa lungsod ng Caloocan.

Dahil dito, agad niyang sinabihan ang mga pulis na nakaduty din sa nasabing lugar upang ipagbigay alam ang nakita.

Isa rin si Joseph na naka-duty na traffic enforcer sa nakasaksi sa ginawa ng lalaki.

Kuwento niya, kagabi pa aniya iba ang kilos ng lalaki at ikinagulat na lang nila na nasa taas na ito ng billboard frame.

Alas siete singko ng umaga nang makatanggap ng tawag ang BFP NCR Special Rescue Force Caloocan hinggil dito.

Agad namang nirespondehan ng BFP katuwang ang Philippine National Police Caloocan.

Sa kuhang video ng BFP, hinay-hinay nilang inakyat ang nasabing billboard kung saan nakahiga ang biktima.

Ayon kay BFP NCR RSU SF01 Ronel Pacao, base sa salaysay ng biktima, kagabi pa lang ay nasa baba na ito ng billboard.

Paglilinaw pa ni Pacao na ang nasabing biktima ay walang problema sa pag-iisip at may pinagdadaanan lang na problema.

Tumagal ng 45 minuto ang rescue operation dahil na rin kinakailangang maging maingat ang mga awtoridad sa pagsagip dahil sa nakapalibot na live wire.

Naging matagumpay sa pagligtas sa biktima at agad na dinala sa Caloon City Medical Center.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble