Higit 17k na AFP at US forces, sasali sa Balikatan 2023

Higit 17k na AFP at US forces, sasali sa Balikatan 2023

AABOT sa 17.6 na libo ng tropang militar ang nakatakdang sumali sa Balikatan 2023.

Ito na ang tinaguriang pinakamalaking delegasyon para sa isang Annual Bilateral Exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Estados Unidos.

5, 400 sa bilang dito ay AFP members habang ang 12,200 ay US Forces.

Noong nakaraang taon, halos 3,800 mula sa AFP at 5,100 na US Forces ang sumali sa Balikatan Exercises mula March 28 hanggang April 8, 2022.

Pinakamalaki naman ito kung ikukumpara bago nangyari ang pandemya.

Samantala, ngayong 2023, isasagawa ang Balikatan mula April 11 – 28.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter