“HINDI ganyan si Jesus Christ at pinipilit nila akong sinisira, hinihila pababa”
Matatandaan na ito ang mga sagot ni Senator Manny Pacquiao ng hamunin ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na patotohanan ang sinasabi niyang nag-aral ito ng 11 taon sa Notre Dame of Dadiangas University.
Tinanong din ng butihing Pastor ang senador kung ano na ang nangyari sa P3.5-B Sports Complex Project nito sa Saranggani.
Pero kasunod ng mga naturang sagot ng Senador Paquiao kay Pastor Apollo, ay nagpahayag naman ng konklusyon ang butihing Pastor.
“Ang konklusyon ko itong si Manny Pacquiao hindi sa pagde-degrade sa kaniya ang mental capacity niya to answer issue is only elementary, sorry to say,” pag-amin ng butihing Pastor.
“Si Manny Pacquaio hindi capable sa mga issues sa mga binibigkas ng bibig niya na kapag sinuri mo wala siyang maisasagot. So, ang konklusyon ko he is not mentally capable to answer na ganun kalalim,” dagdag ni Pastor Apollo.
Paliwanag ni Pastor Apollo, idinadaan na lamang ni Pacquiao sa paawa epek at pa-victim effect ang mga sagot lalo pa’t hindi naman nito kayang intindihin ang mga issues na ibinabato sa kaniya na siya rin naman aniya ang nagsimula.
Matatandaan na sinabi ni Pacquaio na hindi ito tiwali at hindi sinungaling matapos sabihin na lumala ang korupsiyon sa panahon ng Duterte Administration.
Ang pahayag na ito ng senador ay sinubok naman ni Pastor Apollo, pero lumalabas na hindi ito totoo sa kaniyang mga pahayag.
“Yong sinabi niyang hindi ako tiwali, hindi ako at hindi ako sinungaling eh sinundan namin yon at saka yong battle cry niyang korupsiyon. Isa doon ay ‘yung kaniyang pag aaral na 11 years lumitaw na hindi totoo pagkatapos yong sa Sarangani ‘yung 3.5 project wala din siyang sagot doon at iba pang issues tinalakay din natin ‘yun pero ang sagot niya is, ‘Ganyan ba ang mangangaral ni Jesus Christ, hindi naman ganun si Jesus Christ,’” pahayag ng butihing Pastor.
Kasunod nito ay binira din ni Pastor Apollo ang pag-uutos ni Pacquiao sa pamahalaan na unahin ang problema ng Delta variant at kagutuman sa bansa kesa sa pamumulitika.
“Oh eh bakit inuna mo ang boxing mo bakit ka umalis at inuna mo pa ang pag-boxing mo. Eh tungkol doon naman sa Delta variant eh bakit ka umalis kesa sa sinasabi mo ikaw rin ang tinatamaan sa mga sinasabi mo,” ayon pa kay Pastor Apollo.
Para kay Pastor Apollo, walang kapasidad ang senador na maging pangulo ng bansa.
“Ngayon ibig mong tumakbo bilang presidente, papano ka magiging presidente. Sinasabi ko ito para malaman mo na wala kang capacity to run for higher position, naging senador ka lang by chance, popular ka sa Pilipinas kaya pinagbigyan ka pero pagiging presidente no way,” ani Pastor Apollo.