‘Libreng Sakay’ ng gobyerno kabilang ang EDSA busway, ipagpapatuloy

‘Libreng Sakay’ ng gobyerno kabilang ang EDSA busway, ipagpapatuloy

MARARANASAN muli ng mga commuters ang ‘Libreng Sakay’ ng pamahalaan kabilang ang EDSA busway.

Ito ay matapos maglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.285-B sa Service Contracting Program ng gobyerno sa ilalim ng budget ng Department of Transportation (DOTr) ngayong taon.

Ang magandang balita ay inanunsyo ni DBM Secretary Amenah Pangandaman sa press release, araw ng Huwebes.

Ayon kay Pangandaman, malaking tulong ang ‘Libreng Sakay’ sa araw-araw na pamumuhay ng publiko.

Aniya, ang natitipid ng mga commuter bawat araw ay maari nang ilaan sa mas mahalaga nilang pangangailangan gaya ng budget para sa pagkain, tubig, tuition fee at iba pa.

Disyembre 31, 2022 nang matapos ang ‘Libreng Sakay’ sa EDSA busway na una nang ipinatupad noong Abril 2022.

 

Follow SMNI News on Twitter