WALA na ngang makakapigil pa sa mga Pilipinong uhaw sa pagbabago, dahil ngayong araw nag-uumapaw ang tao sa Liwasang Bonifacio, Maynila sa ika-apat na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally.
Hindi nakakasawa pakinggan ang mga katotohanan at hindi nauubos ang sigaw ng bayan sa pang-aabuso ng gobyerno ngayon.
Isang kamulatan nga ang rally na ito dahil kitang-kita sa mga dumalo na mas lalong nagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa bansa.