LPG, maaaring tumaas ang presyo sa 1,300 piso ayon sa DOE

LPG, maaaring tumaas ang presyo sa 1,300 piso ayon sa DOE

MAAARING tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa 119.53 piso kada litro o nasa 1,314 kada 11kilogram cylinder kung patuloy na tataas ang presyo ng gas sa pandaigdigang merkado ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa website ng DOE, sa ngayon ay nasa P880.45 hanggang P1,140.00 o P80.04 piso hanggang P103.63 kada litro ang presyo ng 11-kilogram cylinnder ng LPG.

Samantala sinabi naman ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na inaasahang tataas sa 86.72 piso kada litro ang presyo ng gasolina, 81.10 piso naman kada litro sa diesel, at 80.50 piso naman kada litro ng kerosene kung aabot ang presyo ng global oil sa $140 per barrel.

Sa kabila ng pagtaas sa presyo ng gas, siniguro naman ni Erguiza na walang kakulangan sa suplay ng gas sa bansa.

 

DOE, hiniling sa oil companies ang unti-unting pagtataas ng presyo ng langis

Hiniling ng DOE sa oil companies na gawing staggered o unti-unti ang pagpatutupad ng taas presyo sa petrolyo.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na nakipagpulong na ang DOE sa oil companies para sa mga paraan upang maibsan ang bigat sa magkakasunod na oil price hike.

Noong nakaraang linggo, ani Romero, mayroong isang oil company na nagpatupad na nito at naki-usap na sanay mas marami pa ang magpatupad nito.

Bukod dito, hiniling din ng DOE sa mga oil companies kung ano pa ang ibang maitutulong ng mga ito sa transport sector at iba pang consumer kaugnay pa rin sa taas-presyo ng produktong petrolyo.

Follow SMNI News on Twitter