LRT-2, nag-alok ng libreng sakay para sa mga babaeng pasahero sa Marso 8

NAG-alok ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang LRT-2 sa Lunes, Marso 8, 2021.

Ito ay bilang pagkilala sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ang mga oras sa mga libreng sakay ay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang International Women’s Day ay ginaganap tuwing ika-8 ng Marso taun-taon upang ipagdiriwang ang mga karapatan ng kababaihan at mga ambag sa larangang pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura sa buong kasaysayan.

Ang kaganapang ito ay ipinagdiriwang sa maraming bansa sa mundo kabilang ang Russia, Ukraine, Armenia at Belarus kung saan itinuturing nila itong isang holiday.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.