LTFRB, magdadagdag ng bagong ruta bilang paghahanda sa F2F classes

LTFRB, magdadagdag ng bagong ruta bilang paghahanda sa F2F classes

ASAHAN na magiging mas maayos ang dispatching ng mga bus sa Edsa Bus Carousel matapos itong personal na sinubukan ng bagong talaga na LTFRB chair.

Bandang alas-7 ng umaga ay personal na sinubukan ni LTFRB chairman Atty. Cheloi Garafil na sumakay sa Edsa Bus Carousel.

Wala siyang masabi sa kalidad at takbo ng bus, pero ramdam niya ang mahaba-habang pila ng mga kababayang nagko-commute.

Si Garafil ay sumakay sa Carousel Bus mula EDSA Busway Monumento hanggang sa huling istasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City.

Aminado namin si Garafil na isa sa mga dahilan kung bakit kulang-kulang ang pagdedeploy ng mga bus ng consortium ay dahil hindi sila kaagad nababayaran.

Follow SMNI News on Twitter