KULANG sa diskarte ang Land Transportation Office (LTO) ayon kay Deputy Speaker Ralph Recto.
Kasunod ito sa pagkaubos ng plastic card ng ahensiya para sa driver’s license.
Ani Recto, hindi pondo ang kulang sa LTO dahil madali lang kitain ng ahensiya ang kinakailangan nilang P249-M para makabili ng 5.2-M plastic card.
Saad pa ng mambabatas, malaki ang resources ng LTO ngunit kulang ang kanilang plano para sa hinaharap.
Maari naman aniyang matantiya ng LTO kung ilan ang kakailanganin nilang license cards ngayong 2023 kung inaral nila ang bilang ng inisyung lisensiya noong 2022.
Sa huli, pinayuhan din ni Recto ang ahensiya na tutukan ang red tape sa procurement process na siyang posibleng dahilan ng naturang suliranin.