PINAG-iingat ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko laban sa pakikipagtransaksiyon sa mga fixer partikular na ang namemeke ng resibo at iba pang dokumento ng ahensiya.
Kasunod ito ng pagkakadakip ng 2 fixer ng LTO Regional Office 10 at ng City Intelligence Unit ng Cagayan de Oro City Police sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, bago sila naaresto ay isang impormante ang nagreklamo sa pulisya tungkol sa natanggap na pekeng LTO Official Receipt para sa kaniyang sasakyan.
Ang isang babae na nahuli ang itinuturong kasabwat sa pamemeke ng mga dokumento.
Nakuha sa kanila ng mga awtoridad ang mga pekeng LTO OR, Certificates of Registration (CR), driver’s license, at mga gamit sa paggawa ng mga pekeng dokumento.