NANAWAGAN ngayon si Quezon Province 3rd District Rep. Rey Arrogancia sa Philippine at UK government na magkaroon ng mas malapit na ugnayan.
Sa gitna na rin ito ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa coronation ni King Charles III ng United Kingdom ngayong May 6, 2023.
Kaisa ni Pangulong Marcos, saad ni Arrogancia na sa ilalim ng liderato ng bagong Hari ng UK ay sana’y magkaroon ng mas malalim na ugnayan ang ating bansa sa kanila.
Lalo pa’t sa maraming pagkakataon ay kinilala ni King Charles ang ambag ng Filipino migrants sa British society at sa mga nasasakupan nito.
“King Charles has had many occasions of direct interaction with Filipino migrants in the UK, especially among the healthcare front liners,” ayon sa mambabatas.
Samantala, umaasa rin si Arogancia na magkaroon ng joint military drills ang UK at Philippine government at maging defense partners.
At ang pagkakaroon ng updated na bilateral agreements ng dalawang bansa sa makabagong panahon ngayon.