Mababang taripa sa bigas, mais at karne ng baboy, hanggang katapusan ng 2023

Mababang taripa sa bigas, mais at karne ng baboy, hanggang katapusan ng 2023

NAGLABAS ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawigin ang pagpapatupad ng mababang taripa sa import duties ng ilang produkto hanggang December 31, 2023.

Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang isang executive order na may layong mapanatili ang abot-kayang presyo at makatulong sa pagpapalaki ng suplay ng mga pangunahing bilihin sa agrikultura.

Ito’y sa gitna na rin ng pagnanais ng gobyerno na matiyak ang food security.

Nakasaad sa EO No. 10 na tuloy pa rin ang mababang taripa sa karne ng baboy, mais, at bigas hanggang sa Disyembre 31, 2023.

EO No. 10 extends the reduced rates of duty on the following commodities until Dec. 31, 2023:

Meat of swine

(fresh, chilled, or frozen):

15 percent (in-quota)

25 percent (out-quota)

Corn:

5 percent (in-quota)

15 percent (out-quota)

Rice:

35 percent (in-quota & out-quota)

Coal:

zero duty

Samantala, subject sa semestral review ang tariff rates sa coal o karbon paglampas ng December 31, 2023.

Ang EO ay nag-uutos sa National Economic and Development Authority (NEDA), Committee on Tariff and Related Matters na isumite sa Pangulo, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, ang findings at recommendations nito sa usapin, kabilang ang analysis at monitoring sa coal market.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang EO No. 10 noong Disyembre 29, 2022.

Ito ay nag-e-extend sa validity ng EO 171 na inisyu ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong buwan ng Mayo at napaso na noong Disyembre 31, 2022.

Naglabas ng nasabing Executive Order ang Malakanyang dahil na rin sa mataas na inflation dulot ng supply constraints at inaasahang kakapusan ng global supply at pagsipa ng international community prices.

Follow SMNI NEWS in Twitter