Mag-asawang lider ng ‘NPA’ sumuko sa gobyerno sa Agusan Del Norte

ISANG mag-asawa na may posisyon sa komunista ng New People’s Army (NPA) ay sumuko sa gobyerno sa Agusan del Norte, ayon sa Police Regional Office sa Caraga (PRO-13) noong Huwebes.

Sa pahayag ni director PRO-13 na si Brig.Gen. Romeo M. Caragamat Jr., na ang mag-asawa na sina Jomar Calejar Bernados at Verly Florentino Sagot, 29, ay kapwa taga Jabonga, Agusan del Norte.

“Si Bernados ay ang vice commanding officer ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG) sa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA,” ani Caramat. Nagsilbi naman si Sagot bilang isang medic sa parehong guerilla unit.

Ang mag-asawa, na sumuko sa Tubay Municipal Police Station (TMPS) noong Abril 20, ay nag-abot din ng dalawang M14 rifles at bala.

“Sumuko sina Bernados at Sagot upang makiisa sa kanilang mga pamilya at mabuhay ng isang normal na buhay na maaaring imposible kung manatili sila sa kilusan,” ani Caramat.

Ang mag-asawa ay mai-enrol sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno, ayon ng opisyal ng pulisya.

SMNI NEWS