Mahigit 10k katao, apektado ng Bagyong Obet

Mahigit 10k katao, apektado ng Bagyong Obet

UMAABOT sa mahigit 10,890 ang apektadong mamamayan sa pagdaan ng Bagyong Obet sa Northern Luzon.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat, ang mahigit 10,890 katao o katumbas ng 3, 200 pamilyang apektado ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa ngayon, nakalabas na ang Bagyong Obet sa Philippine Area of Responsibility ngunit may panibagong low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

 

Follow SMNI News on Twitter