SA pulong balitaan sa Kampo Krame, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 11K puwersa mula sa iba’t ibang law enforcement group na titiyak sa seguridad para sa paparating na Independence Day sa Miyerkules, Hunyo 12, 2024.
Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, ipakakalat ang mga ito sa malaking bahagi ng bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).
Layon nitong bantayan at pigilan ang anumang banta ng kriminalidad sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa bansa.
Magiging katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection kasama na ang force multipliers mula naman sa mga lokal na komunidad.