TAMPOK sa auction ng Christie’s sa London ngayon ang mahigit 150 Arab arts.
Ayon sa nabanggit na auction house ito na ang pinakamalawak na exhibition ng Arab arts.
Ang mga obra ayon sa curator ng Christie’s ay gender-balanced dahil 50 porsiyento sa itinampok dito ay gawa ng mga lalaking artist habang ang natitirang 50 porsiyento ay sa mga babaeng artist.
Sa naturang exhibition na may pamagat na “Modern and Contemporary Art of the Arab World” ay makikita ang iba’t ibang paintings, sculptured at iba pa.
Magtatagal ang auction hanggang sa Agosto 23, 2023.