AABOT sa 273 na bagong 2nd Lieutenants ng Officer Candidate Course (OCC) Class 60 “Aramsidlak” 2024 ang nagtapos sa isang taon na pagsasanay para sa Army officers.
Ang graduation ceremony ay pinangunahan ni Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro Jr. na ginanap sa Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.
Ang mga pangunahing propesyon ng mga bagong-komisyon na opisyal ay mga guro, inhinyero, at criminologists na matagumpay na nakapasa sa pre-entry course na kinabibilangan ng basic military training program, officer training program, at warfighting program.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang mga bagong lieutenants na manatiling handa at magtuon ng pansin sa mga kinakailangan sa loob ng organisasyon.