Mahigit 22 lugar sa Bulacan, binaha

Mahigit 22 lugar sa Bulacan, binaha

UMABOT sa 22 lugar sa lalawigan ng Bulacan ang binaha dahil sa malakas na pag-uulan na dulot ng Bagyong Egay at ng habagat na pinalakas naman ng Bagyong Falcon.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Angat, Norzagaray, San Ildefonso, San Rafael, Meycauayan, Marilao, Sta. Maria, Balagtas, Bustos, Plaridel, Baliuag, Bocaue; Guiguinto, Pandi, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Malolos, Calumpit, munisipalidad ng Bulakan, San Jose del Monte at Obando.

Ayon kay Bulacan Vice-Governor Alex Castro, nasa mahigit 21 libong indibidwal o mahigit sa limang libong pamilya na ang kasalukuyang nasa mga evacuation center.

Suspendido naman ang klase at trabaho ngayong araw sa buong lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter