Mahigit 2K barangay, ‘vulnerable’ sa baha at landslide dahil sa Bagyong Marce

Mahigit 2K barangay, ‘vulnerable’ sa baha at landslide dahil sa Bagyong Marce

MAHIGIT 2,100 na mga barangay ang mahaharap sa banta gaya ng malawakang pagbaha at landslides dahil sa Bagyong Marce.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), inilista na nila ang mga ito na itinuturing na ‘vulnerable areas’.

Madalas dito batay sa listahan ng ahensiya ay mga barangay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordilleras.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil dito ay maaaring bisitahin ang Facebook page ng Mines and Geosciences Bureau.

Ang Bagyong Marce ay tinatayang mag-landfall sa Babuyan Islands, Huwebes ng gabi o sa Biyernes ng umaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble