Mahigit 300 migrants, naka-detain sa Libya

Mahigit 300 migrants, naka-detain sa Libya

NAKA-detain ngayon sa Libya ang mahigit 300 migrante na nagnanais dumaan sa kanilang disyerto para makarating sa Mediterranean Sea papuntang Europe.

Ayon sa 444 Brigade, isang militia group ng Libya, ang mga nahuli nila ay dinala na sa mga awtoridad.

Maliban sa mapigilang dumagsa ang asylum seekers sa Europa, hakbang din anila ito para mapigilan ang smuggling at human trafficking.

Lalo na anila at sa mga satellite image sa kanilang disyerto ay makikita na ang migrants ay nakaupo sa harap ng armado at naka-mask na mga militante.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter