Mahigit 6k na empleyado ng DILG, nabakuhan na –Abalos

Mahigit 6k na empleyado ng DILG, nabakuhan na –Abalos

NABAKUNAHAN na ng COVID-19 booster shots ang higit 6,100 na empleyado ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa “Bakunahang Bayan: PinasLakas: Special Vaccination Day.”

Sa nasabing bilang, sinabi ni DILG Secretary Benjamin “Benju” Abalos, Jr. na ang 1,026 na nabakunahan ng booster ay mula sa Central Office habang 5,114 naman ay mula sa Regional Office.

Dagdag pa ni Abalos, ang mataas na bilang ng nabakunahan na DILG personnel ay suporta sa kampanya ng pamahalaan sa “Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Day” ng Department of Health (DOH).

Hinikayat naman ni Abalos ang mga LGU na mas paigtingin ang Booster Vaccination Program at gamitin ang lahat ng kanilang resources upang mabakunahan ang target na 90 porsiyentong populasyon ng senior citizen para sa primary series at 50 porsiyento sa pangkalahatang populasyon sa unang 100 na araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter