Mahigit 700 free WiFi sites, target ipatayo hanggang 2028

Mahigit 700 free WiFi sites, target ipatayo hanggang 2028

TARGET ng Philippine Digital Infrastructure Project (PDIP) na makapagpatayo ng 772 free WiFi sites lalong-lalo na sa Mindanao hanggang 2028.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Jeffrey Ian Dy, ang development project na ito sa Mindanao partikular na sa Region 11 at 13 ay potensiyal na makatutulong para mapataas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ang pondo naman para dito ay magmumula sa $288-M loan mula sa World Bank.

Kaugnay rito, nilinaw ng DICT na ang kabuuang digital infra project ay ipatutupad sa loob ng 10 taon mula 2025 hanggang 2035.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble