Maingat na screening sa mga bansa na may nadiskubreng bagong COVID variant, ipinag-utos ng DOH- BOQ

Maingat na screening sa mga bansa na may nadiskubreng bagong COVID variant, ipinag-utos ng DOH- BOQ

IPINAG-UTOS ngayon ng Department of Health– Bureau of Quarantine ang pagsasagawa ng maingat na screening sa mga dumarating na mga bisita mula sa ibang bansa.

Lalong-lalo na ang mga mula sa mga bansa kung saan nadiskubre ang bagong COVID variants.

Ang tinutukoy na bagong variants ang KP.1 at KP.2 na tinawag bilang “Flirt” variant.

Partikular na pinapamonitor at ipinapatupad ang safety measures sa lahat na terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Muli na ring ipinaalala ng DOH-BOQ na palaging maghugas ng kamay, takpan ang bibig kung babahing o uubo at iwasan ang matataong lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble