Makati City, isusulong ang paggamit ng climate-financing instruments –Mayor Binay

Makati City, isusulong ang paggamit ng climate-financing instruments –Mayor Binay

ISUSULONG ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang paggamit ng climate-financing instruments na magbibigay sa lungsod ng access sa mga gawad, pautang, at mga pagkakataon sa pagpopondo upang palakasin ang pagkilos sa klima bilang bahagi ng layunin ng kanyang administrasyon.

Inilatag ni Binay ang mga programa at hakbangin ng kanyang administrasyon na naglalayong mabawasan ang greenhouse gas emissions sa lungsod na kinabibilangan ng pagbili ng mga de-kuryenteng sasakyan (e-vehicles) na gagamitin ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Binay, ang paglalagay ng mga solar panel sa mga pampublikong paaralan at mga tanggapan ng gobyerno ay upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya, at pagtiyak ng pagpapatuloy ng mga serbisyo sa panahon ng kalamidad.

Samantala sinabi ng alkalde na pinaplano ng pamahalaang lungsod na mag-aplay para sa suporta mula sa World Bank at sa European Investment Bank sa pamamagitan ng pondo nito sa City Climate Finance Gap.

 

Follow SMNI News on Twitter