NAKATANGGAP ang Makati City Government ng tatlong awards mula sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) sa ilalim ng Department of Finance.
Kinikilala ang Makati bilang isa sa Top Performing Local Government Units sa bansa pagdating sa revenue generation.
Pinarangalan ang Makati bilang Top 2 Performing LGU sa bansa at Top 2 Performing Pity sa Metro Manila base sa talaan ng 2021 Highest Locally Sourced Revenues.
Itinanghal din ang lungsod bilang Local Revenue Generation Hall of Famer base sa naitalang highest locally sourced revenues mula 2018 hanggang 2020.
Ayon sa BLGF, umabot sa mahigit P13.7-B ang locally sourced revenue ng Makati noong 2021.
Pinasalamatan ni Mayor Abby Binay ang lahat ng taxpayers, lalo na ang mga negosyo sa Makati na malaki ang naitulong sa lungsod upang matugunan ang mga hamon ng pandemya.
Aniya, bukod sa pagbibigay ng trabaho sa mga residente, pinalakas nila ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng maagap na pagbabayad ng wastong buwis at iba pang fees.