NAGDULOT ng malalakas na hangin kahapon ang bagyong Hinnamor sa Okinawa, Japan habang papasok ito sa bansa.
Ayon sa Japan Meteorological Agency “violent” ang bagyong ito dahil sa lakas ng hangin na dulot nito habang papasok pa sa Okinawa noong Miyerkules ng gabi, na nag-udyok sa lokal na ahensya ng Okinawa na maglabas ng babala sa maaaring magkaroon ng high tide at malalakas na alon.
Ayon sa ahensya, inaasahan na bukas papasok sa Okinawa ang bagyong Hinnamor na may lakas na 108 kilometers per hour na aabot hanggang 252 kph sa darating na Sabado.
Kahapon ng 9 am nasa 250 kilometers ng silangang bahagi ng Miyako Island ang bagyo, na may atmospheric pressure na 920 hectopascals.