PINABIBILIS na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga malalaking proyekto ng kanilang tanggapan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, layon nitong mapaganda pa at maitaas ang antas ng transportasyon sa bansa.
Kabilang sa mga pinabibilis ng kalihim ay ang LRT-1 Cavite Extension, North South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway, at MRT Line 7 project.
Sa oras na maging operational ang nasabing big ticket projects, magbibigay ito ng kaginhawaan lalo na sa sitwasyon ng trapiko at sa mga pasahero.
Nais din iprayoridad ng ahensiya ay ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), privatization ng operasyon ng NAIA terminals at ang konsepto ng EDSA busway para sa Cebu at Davao.