Malasakit Center, maraming natutulungan sa Quezon City

Malasakit Center, maraming natutulungan sa Quezon City

MATAPOS maisulong at maisabatas ang Malasakit Center noong 2019 marami na itong natulungan na mga kababayan at ginawa itong one-stop shop na inilagay sa mga ospital na pinapatakbo ng mga LGU kabilang na ang lungsod ng Quezon.

Sa eksklusibong panayam kay Sen. Bong Go, ng SMNI News nang magtungo ito sa lungsod ng Quezon kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte at namahagi ng food packs kahapon, sinabi nito na naging matagumpay ang Malasakit Center na inilagay sa loob ng ospital at apat na ahensiya ng gobyerno ang nakaagapay na tumutulong dito.

Ayon sa sendor, andiyan ang PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD kung saan sa Quezon City, napakarami nang Malasakit Center na puwedeng puntahan ng pamilya ng pasyenteng nangangailangan ng tulong tulad ng NKTI, Heart Center, East Avenue, National Orthopedic, Philippine Children’s Medical Center, Novaliches District Hospital, Veterans Memorial Medical Center para sa mga veteran, at kamag-anak. National Children’s Hospital, Quirino Memorial Medical Center, kasama na rin ang Philippine National Police Hospital.

Sinabi ni Senator Go, ito ay para sa mga kababayan na hindi na sila mahirapan pang humingi ng tulong sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno dahil naisinabatas na ito upang   ilapit ‘yung serbisyo sa mga kababayan sa pamamagitan ng Malasakit Center.

Sinabi ni Go, hindi na kailangan ng mga dokumento para sa isang pasyente lumapit lang sa social welfare officer at mga social worker officer na tutulong at mag-ga-guide. at mag-aalalay sa proseso na kakailanganin ng ahensiya.

Follow SMNI NEWS on Twitter