INAASAHAN ng bansang Malaysia ang pagbabalik ng Chinese tourists kasabay ng pagluluwag ng restriksyon sa China.
Ayon kay Malaysian Association of Tour and Travel Agents o Matta Datuk Tan Kok Liang, naniniwala sila na babalik ang mga turistang Tsino kapag lumuwag ang travel restriction para sa mamamayan ng Beijing.
Naniniwala ang asosasyon na ang China ay may malaking epekto sa turismo hindi lamang sa Malaysia kundi sa ASEAN.
Umaasa rin sila na tataas ang bilang ng direct flights sa pagitan ng Malaysia at China alinsunod sa mga adhikain ng parehong bansa.
Samantala, sinabi rin ni Datuk Tan na sa nakalipas na 13 taon, ang bansang China ang nangungunang commercial partner ng Malaysia at kahit sa kasagsagan ng pandemya ay tumaas ang bilateral trade ng bansa rito.