NAIS ng gobyerno ng Malaysia na makipagtulungan sa mga Non-Governmental Organization (NGO) upang masugpo ang human trafficking.
Malugod na tinanggap ni Home minister Hamzah Zainudin ang mga NGO at Civil society organizations upang tumulong sa gobyerno sa pagsugpo sa human trafficking sa bansa.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay bumagsak ang Malaysia sa tier 3 pagkatapos ng tatlong taon sa tier 2 watchlist sa 2021 trafficking in persons report.
Bumagsak ang bansa sa tier 3 matapos ang sunod-sunod na mga reklamo ng grupo at mga awtoridad sa US sa diumano’y pagsasamantala sa mga migranteng manggagawa sa mga plantasyon at pabrika sa Malaysia.
Ang tier 3 ay kinabibilangan ng mga bansa na hindi nakaabot sa pinakamababang standard at hindi gumagawa ng aksyon ukol dito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Hamzah na ang kagawaran ay nagdesisyon na palakasin ang ilang control border sa bansa at 4 sa mga ito ay muling bubuksan.