BUMISITA si Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim sa monumento ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila ngayong Huwebes, Marso 2.
Pinangunahan ni Ibrahim ang wreath lying ceremony o pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal.
Nakasama ni Ibrahim sa seremonya sina Manila City Mayor Honey Lacuna, Chief of Naval Staff Radm Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, PN, at iba pang opisyal.
Samantala, nagtungo rin ang Prime Minister sa University of the Philippines (UP) Diliman Theater para sa kanyang ‘conferment ceremony of Doctor of Laws honoris causa.’