NAGDAGDAG ng 1,000 Smart LED TV ang Mandaluyong City Government sa Schools Division Office (SDO) bilang pagtalima sa MATATAG Agenda ng Department of Education (DepEd).
Idinaos ang symbolic turnover ng 1,000 Smart LED TV sa SDO nitong araw ng Lunes sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos.
Sa kabuuan ay may 1,578 Smart LED TVs ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod.
Bawat silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa Mandaluyong ngayon ay mayroon nang magagamit na Smart LED TV.
Ayon sa SDO, ang paggamit ng mga Smart LED TV ay makatutulong sa iba’t ibang aspeto ng pag-aaral ng mga estudyante pati na rin sa makabago at mas epektibong pagtuturo ng mga guro.