NAGSANIB-pwersa ang Department of Health (DOH) at Manila LGU sa paglulunsad ng Supplemental Immunization Activity o MR-bOPV SIA 2023 sa loob ng Manila Zoo, ngayong araw ng Huwebes, May 4.
Ito ay para maiiwas ang mga chikiting sa polio, tigdas at rubella, mga sakit na maaaring ikamatay ng bata kung hindi sila matuturukan ng bakuna.
Matatandaan na simula May 1 ay inilunsad ng DOH ang ‘Chikiting Ligtas 2023’ para malabanan ang banta ng measles outbreak sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna kontra sa sakit.
Ayon sa datos mula sa Vaccine Confidence Project ng UNICEF, may 1 milyon na bata sa Pilipinas ang hindi nakatanggap ng anumang bakuna (zero dose) sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Samantala, kasabay ng libreng immunization ay may pa-free entrance o pasyal sa Manila Zoo at free meal ang Manila LGU para sa mga bata at magulang.